Basahin Ang Aming Manifesto:

THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS' MANIFESTO

Tuesday, September 11, 2018

OPHIRIAN SYMPOSIUMS

Magandang umaga sa inyong lahat! I hope all is well! Ako nga po pala si _____, also known as Zero. Isa po akong blogger.

I have a question for everyone. Parte ka ba ng 99% ng mga Pilipino na either may komportableng buhay naman or nakakaraos lamang? Ayan, dami pa nahihiya. Ayos lang po 'yan. Ako mismo nahihiya pa ng konti eh hehe

Anyway, congrats sa mga parte na ng 1% kung mayroon man. 'Yan ang mga dapat ginagawang beshie. Lols!

Ako naman po ay kabilang pa rin sa 99% pero natatanaw ko na nang malinaw, sa kabilang side ng riles ng tren, ang mga kagamitan na magagamit ko sa aking paglalakbay tungo sa pagunlad.

Ipapaliwanag ko ito sa paraang alam ko kagaya ng sa pagtawid sa riles at pagsakay ng tren. Sa isang squatter's area sa gilid ng riles ng tren po kasi ako lumaki simula pagkabata hanggang sa aking high school years.

Anyway, may ilan po siguro sa inyo dito ang nakapunta na sa "1% Train Station" o kagaya ko na papunta pa lamang doon kaya hindi na siguro bago sa inyo ang mga ibabahagi ko ngayon.

Ang ibabahagi ko ay para sa mga kagaya ko na nakaabang pa lamang sa pagpalit ng kulay ng traffic lights bago tumawid, sa mga nakatawid na patungo sa station concourse pero walang pamasahe, o sa mga kabayan nating hindi pa alam na may byahe pala papuntang "1% Station". Sa totoo lang, marami na po ang nakatawid sa kabilang dako at nakasama na sa byahe.

Pero mas marami pa rin po ang nasagasaan ng Stock Market. 'Yung iba naka-recover na, 'yung iba back to zero at nagiipon pa, 'yung iba nasa ICU pa rin, 'yung iba naman nakauwi na pero sugatan pa [ang portfolio], may mga na-trauma na at mayroon naman na may utang pa na bill sa ospital [may utang pa sa mga magulang at kamag-anak].

Opo. Para sa akin, isang tren ang Stock Market na pwede mong sakyan patungo sa iyong mga pangarap sa buhay. Pwede kang sumakay anytime from 9am to 4pm on weekdays. Pwede kang bumili ng ticket mula sa mga konduktor na nagtuturo ng kanilang strategies, setups, systems at personal experiences kung willing ka magbayad. Sa mga hindi pa nakakaalam kung magkano ang pamasahe, itananong po ninyo sa inyong katabi ngayon.

Sige po. 'Wag po kayo mahiya. Ako nga first time ko mag speaker oh... 'Wag po kayo madaya. Damayan ninyo naman ako! Lols!

Ayan, alam n'yo na. May pwede na kayong pagusapan ng katabi ninyo mamaya. May rason ka na para hingin ang number ng nasa kaliwa mo at i-add sa facebook ang nasa kanan mo. Alam na this! Lols!

Bukod sa pagsakay sa tren, pwede ka rin maglakad from one train station to another kung ayaw mo gumastos or hindi pa kaya ng budget mo ang pagbili ng ticket. Pwede ka rin naman gumawa ng trolley para itulak ito nang mano-mano.

Pinili ko ang paggawa ng trolley [support group] para may maisama na rin akong pasahero sa paglalakbay. Tulak lang ng tulak ng trolley. Pag napagod, makikisuyo at makikipag palitan ng pagtutulak sa ibang group members/admins. I created a Facebook Group called: "InvestInFun". To visit our group, kindly click HERE.

Nahirapan akong magumpisa dahil isang gulong [seminar] lang ang pinanghahawakan ko noon. Pero dahil nakikita ko na ang sarili ko na makarating, tumambay at tumira sa "1% Station [millionaire status]", hindi ako nagpapigil sa limitasyon kong iyon. Naglakad-lakad ako at naghanap ng mga items [research/learning materials]. Ito ang ginamit ko sa pagbuo ng trolley [fb group]. Inumpisahan ko muna ang pagdudugtong [blogging] sa mga items [learning materials plus reflections] na parang lego pieces. Sa bawat kanto, may napupulot akong items [kaalaman] at may naisasakay pa akong classmates [fb group members].

Kahit na mahirap sa umpisa, unti-unti naman nagiging masaya ang aming paglalakbay. Kahit na may mga taong naghahagis at nambabato paminsan-minsan ng plastic bag na may lamang tae o ihi dahil ayaw nilang sumama o sa kahit ano pang kadahilanan, okay lang. Alam kong darating ang araw na makakasama din natin sila. Magpupunasan tayo ng tissue para linisin ang mga binato sa atin. Lols!

Sa ngayon, maliit pa lamang ang trolley na nagawa namin. May ibang mga trolleys at mini-trains [facebook groups/trading communities] na mas malaki sana kaso balita ko nanglalaglag daw ng pasahero. O kaya naman namimigay ng kung anu-anong items [reco disguised as learning materials] sa mga gusto lang naman matuto. Aguy! Lagot na! Lols!

Anyways, narito tayo ngayon para may matutunan na bago o may mapulot na aral. However, just to set proper expectations, wala po akong maisi-share na trading setup. Kasi ang ibabahagi ko ay para sa mga pilipino na itinuturing itong usapin lamang ng mga mayayaman at matatalino. There's a need to share our meager knowledge and understandings to our fellow Filipinos. I'll get to that later.

Kahit gaano pa kababaw at kakaunti sa tingin natin ang mga napagaralan natin, malaking tulong na po ang mga ito sa ibang kabayan na zero pa talaga ang awareness. Kung sa tingin ng audience mo ay alam na nila ang ibabahagi mo, aalis na lang ang mga 'yan. Pero kung para sa kanila ang ibabahagi mo, mananatili silang makikinig. It's that simple.

Apat na bwan pa lamang ang inyong lingkod sa industriyang ito. Wala pa nga akong nauumpisahan at hindi ko pa nagagalaw ang portfolio ko. Pero hindi ibig sabihin nito ay wala na akong kwentong ibabahagi. Marami ang kagaya ko. Mistulang mga pipi na walang tinig dahil intimidated sa mga magagaling na sa salita at sa gawa.

Ngunit sino ba ang may mas malawak na audience? Ang mga guru na ang target ay mga traders na nasunugan ng port dahil willing magbayad ang mga ito para lang makabawi sa naipatalo nila?

O ang mga simpleng estudyante na kagaya mo na maaari nga na kakaunti pa lamang ang nalalaman ngunit nais maabot ang 99% ng mga kabayan na naiwan, na walang hinihinging kapalit kundi ang maging trading buddy din sila?

Marami tayong pwede paghugutan. Marami sa inyo dito ang naka-attend na ng ibang mga seminars. Pakitaas naman ang mga kamay 'nung mga naka-attend na ng mga seminars d'yan. Ipagpalagay na lang natin na first time 'nung mga hindi nagtaas na kamay para hindi na sila mahiya. Welcome po sa inyo mga kapwa newbies! Apir!

Sa dami ng pwedeng maging dahilan kung bakit tayo nandito, may dalawang pangunahing rason, at least for me, kung bakit sa kabila ng mga seminars na napuntahan na ninyo noon ay pumunta pa rin kayo dito.

Una ay itinuturing ninyo ang paglalakbay na ito na isang lifetime learning process, which it should be. Dapat lang dahil patuloy na nagbabago ang mga kondisyon at mga tao sa merkado. We're supposed to be constantly evolving as traders and investors. Nasa manifesto natin 'yan, kindly click HERE.

Ang ikalawa naman ay dahil parang may kulang... parang palaging may kulang pa sa ating trading setups, systems, lifestyle, routines, perspectives, etc. Parang walang katapusan.

Sa kakaunting panahon ko sa ating industriya, hindi ako nagsisisi na hindi na muna nagumpisa sa pagti-trade. S'ya nga pala sa mga kagaya kong baguhan sa Stock Market, ito po ang link para malaman ninyo ang tungkol sa stock market investment at trading. Kindly click HERE.

Ang dahilan kung bakit parang laging kulang pa ang ating kaalaman at parang palagi natin kailangan umattend ng sandamakmak na seminars ay dahil marahil sa ating "WHYs". Let me share you my WHYs.

Isa sa aking mga WHYs ay ang pagsi-share ng kakaunti kong kaalaman sa kapwa Pilipino. It's one of my passions, to learn new things and then share them with others. Naalala ko pa 'nung grade school pupil pa lang kami, imbes na gumala kami at mapagalitan paguwi, niyayaya ko ang mga kalaro ko sa bahay.

May kondisyon ako palagi. Kailangan muna nila maligo bago pumunta sa bahay. Lols! Mga uhugun pa kasi kami. Syempre mga batang yagit at ayoko mapalo dahil magiging madumi at makalat na naman sa bahay.

At pagkatapos... ilalabas ko na ang black board at chalk at tuturuan sila ng mga itinuro sa amin sa school. Lols! Para akong ewan pero at an early age, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay. Nagbago na lang as time goes by.

Ehdi wow! Pa-hero! Pa-bibo! Pa-yabang! Kahit pa ano ang ibato sa atin, kahit masakit pakinggan, tatanggpin natin 'yan. Tanggap naman natin na hindi lahat ay mauunawaan ang ating mga ginagawa.

Anyway, 'di naman ito tungkol sa atin lang kaya it's okay because we know that we're not alone. Marami pong mga traders ang kagaya natin na handang tumulong sa kapwa sa kabila ng pambabatikos sa kanila.

The point is, maraming paraan para i-extend ang ating "WHYs" to help fellow kabayans. Kung ako ay sa pamamagitan ng pagsi-share ng natutunan ko through blogging and creating a support group, ikaw baka sa pamamagitan ng paggiging speaker sa isang forum, o kaya ay page-edit ng videos about financial literacy, paggawa ng courses at learning materials tungkol dito, o kahit ang simpleng pagsi-share ng mga helpful links sa iyong mga friends and family members.
"I don't have a port snapshot with 6 figures or more to show." "I don't have a mentor to guide me every step of the way." "I don't have a huge capital at my disposal to start with." "I don't have a 24/7 winner mindset and consistent morning routines yet." "I don't have copies and haven't read yet all the main learning materials about trading and investing." "I don't belong to any exclusive groups of traders with exclusive materials, exclusive forums, exclusive systems, exclusive this and that."
Oh ehdi parehas pala tayo. Wala din ako ng mga'yan. Lols! Baka abutin tayo ng ilang oras kung iisa-isahin lahat ng bagay na wala tayo. Pero isang lingon mo lang sa katabi mo, may maisasagot ka na sa mga tanong mo. Wala man tayo ng lahat ng nabanggit, may isang mahalagang mensahe lang ako para sa iyo: We have each other!

Naniniwala akong kayang kaya natin maabot ang 50% ng mga kabayan para matuto ng financial literacy at stock market investing and trading. After all, we are "THE CHOSEN PEOPLE".

May dalawang paraan para makamit ito. It's either bumuo tayo ng solid na community na hindi lamang binubuo ng kanya-kanyang exclusive groups o kaya naman makipagtulungan sa pamahalaan dahil may mga nakalatag na silang plataporma para sa ating mga kabayan.

'Yung unang paraan na pagbuo ng solid na trading community, 'di ko sigurado kung kelan mangyayari 'yan. May kanya-kanya kasing paraan, kanya-kanyang agenda at kanya-kanyang lider.

Pero let's see. Naumpisahan na ang pagkakabit-bisig ng mga personalidad sa merkado. May mga nakikita na tayong meet-ups ng mga Lodis. Sana magtuloy-tuloy na lang para may solid na tayong samahan!

Ang pangalawa naman, pwede pa rin. Marahil ay marami pang pagkululang ang ating pamahalaan, national man or local government, pero kaya nga tayo nandito para punan ang mga ito. Sa gusto man natin o hindi, we are part of nation-building, and just like in any country in the world, ang pamahalaan ang pinakamalaking korporasyon sa bansa.

Kaya kung may makaka-reach ng 50% of the population ng Pilipinas, hindi 'yun ang mga kanya-kanyang groupo natin. Kahit mag full-time trainers pa tayong lahat. Maryosep, baka 500 years na ang lumipas wala pa tayo sa 30%!

Mayroon tayong pangulo na nakikinig kahit sa mga nagpo-protesta laban sa kanya. Kahit isa lang sa atin ang gumawa ng Open Letter para kay Tatay Digs, kung maging viral at umabot sa kanya ehdi may tutulong sa atin. Or kung mayroon sa atin na maalam sa batas, pwede magpasa ng resolution or kung ano man ang tawag dun para pagaralan ng mga mambabatas sa kongreso.

Kamo isama sa curriculum ang financial literacy at stock market trading! Bilib ako sa talino ng mga kabayan natin sa academe. I'm sure na kung merong magtuturo sa kanila about financial literacy at trading, makakagawa sila ng proper curriculum para sa mga kabataan. I'd bet my life on that!

Pwede rin na umpisahan natin sa ating mga local government units. May isang post sa aming facebook group kung saan nakipag-coordinate ang isang trader sa kanilang high school admins at nakapag-conduct s'ya ng maliit na seminar para sa mga estudyante sa loob ng isang classroom. Ito po ang isa sa mga pangarap nating gawin. Kaya nga naka-plano na ang pagtuturo ng inyong lingkod sa aking dating pinasukang high school next year.

Pwede rin naman na subukan natin parehas ang dalawang paraan na ito para mas mapadali ang ating pagkamit sa ating hinahangad na mapalaganap ang financial literacy. Hindi ito magiging madali, lalo na sa mga kagaya natin na naguumpisa pa lamang.

Ngunit, kung mayroon tayong mga "WHYs" na beyond sa ating personal "WHYs" kagaya ng pagtulong sa kapwa pilipino, siguradong kayang-kayang gawang ng paraan 'yan! Kapalan lang natin ang ating mga mukha para makapagturo kahit 'yung mga intangibles muna. Mamigay ng mga ebook copies ng mga foreign authors! Lols! Umpisahan natin sa mga kapatid, kaibigan, kamag-anak, kaklase, katrabaho, kahit sino pa 'yan basta 'wag lang ang ex mo! Lols!

Hindi sa pinipilit ko kayo, pero kagaya ng nabanggit ko kanina, there's a need to share our meager understandings to reach out to as many Filipinos as possible soon. You must have noticed... gumagamit na ng A.I. or Artificial Intelligence ang mga trading platforms at software.

Hindi po ako fearmonger. I just acknowledge the fact that it can be a problem. Favorite ko din kasi talaga ang pelikulang "The Matrix". Actually, fave of all time ko 'yun like kahit 'yun lang panuorin ko ng paulit-ulit. Well, except sa Code Geass. Lols!

Anyway, sa lahat ng tech companies ngayon, 'di pwedeng wala sa long-term business plans nila ang pagkakaroon ng A.I. and that's for a reason. 'Wag na natin talakayin ang mga mabuti at masamang epekto nito sa mga pribadong kumpanya. Atin na lamang pagnilayan ang nalalapit na panahon kung saan marami na sa mga taong nasa "1% Train Station" ang gumagamit na rin ng A.I. sa kanilang stock market trading.

May maganda tayong pagkakataon sa ngayon para matuto ng stock market investing and trading. At ang isa sa mga positibong epekto ng pagdami at pagtalino nating mga retailers o langgam sa merkado, ay ang pag-evolve ng mga trading institutions dahil mas magiging unpredictable na ang galawan dito. They have to step up their game at hindi pwedeng maging predictable na lang tayong mga langgam forever. 'Di po gagana ang reco fever forever.

Ngunit, kung mauunahan tayong ng mga nasa "1% Station" na gamitin ang A.I., marahil ay mas magiging maliit ang tyansang mapakinabangan natin ang kaalaman natin sa stock market. They'll always have the upper-hand dahil sa A.I. technology.

It would take years but it will surely come around. It's just a matter of time.

May iba pa namang investment options pero ang stock market kasi ang pinaka-liquid kung saan maaari tayong pumasok at lumabas anytime. Isa rin ito sa pinakamagandang umpisahan dahil mapipilitan tayong matuto ng mga basics of becoming successful entrepreneurs, kagaya ng mga intagibles.

Sa kabila nito, may magagawa pa rin tayo. We just have to internalize that sense of urgency, believe that we can all start from zero and believe in ourselves that we can also make a difference!

Magko-cause tayo ng mga problema along the way, magkakamali, mami-misunderstood ng marami, mapagtatawanan ng ibang tao, at baka abutin ng maraming taon ang ating paglalakbay pero 'wag din nating kakalimutan na maraming tutulong sa atin! Naumpisahan na ito ng mga Lodis.

Sila ang ating mga bayani. Pwede rin tayong maging bayani ng kahit isang kabayan lang, lalo ng mga kabataan. 'Yung bunsong kapatid mo, tinuturing ka na nga na bayani hindi ba? Si Tatay Digs nga turing sa OFWs ay mga bayani. Again, let's try to extend our "WHYs".

We don't have to know it all in order to offer some help. Even the ancient Athenians didn't had to have unparalleled innate talents, knowledge and skills in order to prosper; neither they had original ideas in order to participate in symposiums like Socrates, Plato and Aristotle have done.

They were able to share their knowledge and wisdom in forums just like TRx Forum. In their times, the exchanges were uninhibited, vulgar and radical and were among beggars from the streets, laborers, artists, scholars, gold traders, shepherds, and anyone from all walks of life. Parang 'yung pagmumura ni Tatay Digs. Parang usapang kanto lang pero may katuturan. Real talk lang 'di ba?

They exchanged ideas and experiences, tales that they've acquired from traveling to distant lands across the seas and for allowing foreigners to roam around their city, outsiders who brought new goods and new ideas.

Many of us feel like outsiders because we don't belong to any exclusive trading groups. Perhaps, it's about time that we try to contribute to the exchange of ideas and stop adding more self-imposed requirements that we have to prove something first before reaching out to people.

Ito ang mga marka ko noong kolehiyo bago ako mag-dropout! Lols!
Minsan mas trip ko pang tumambay sa library at magbasa magisa kesa makinig sa professors kaya ayan, dami bagsak! That, my classmates, is my definition of selective learning process. Lols! I can use this as an excuse not to extend my "WHYs". Ikaw, anong alibi mo bakit hindi ka makapag-share about financial literacy? 
"Eh kasi wala po akong napapatunayan." "Eh kasi duguan pa ang port ko." "Eh kasi di ako magaling mag-ingles." "Eh kasi takot ako ma-reject." "Eh kasi wala akong natapos na degree sa college." "Eh kasi mahirap lang kami." "Eh kasi wala akong original ideas."
The Athenians only borrowed the alphabet from the Phoenicians, medicine and sculpture from the Egyptians, mathematics and finance from the Babylonians, literature from the Sumerians. They felt no shame in their intellectual pilfering! So why should we?

Tayo pa nga ang ninakawan ng mga ginto, mga kayamanan ng ating mga ninuno. Tinatawag tayo noon bilang mga Ophirians, ang tinaguriang isa sa pinakamayamang sibilisasyon dahil sa dami ng ating ginto. Kahit hanggang ngayon, ninanakawan tayo ng pinakamahalagang resources ng isang bansa: our Human Resources in the form of OFWs.

Do you think those TEDx Speakers have original ideas? Those best-selling authors have original ideas? Those millionaires and billionaires have original ideas? I implore you to think again.

I do not encourage you to steal other people's "original ideas" because it would hurt their ego and purse. I, however, am telling you that you can be creative in researching for resources online and borrow some of their "original ideas" and form your own.

It's up to you if you'd like to monetize your "original ideas" or willingly share them to others like how the ancient Babylonians shared their Laws Of Gold to their fellow citizens. It helped them prosper in their Golden Age. They've been considered the richest ancient civilization in the world because of their noble gesture of enlightening their fellow citizens. Hindi sila kagaya natin noon na sagana sa likas na yaman. Nanggaling lamang ang kanilang yaman sa kanilang kaalaman sa pera. Perhaps, we can do the same.

However, I have to remind you that these are all for the purpose of learning. You still have to seek the advice and guidance from those who have made it in terms of execution. Even the Third Law Of Gold states: "Gold clingeth to the protection of the cautious owner who invests it under the advice of men wise in its handling."

The point is, we can all learn together, share our meager understandings about financial literacy to as many kabayans as possible by starting from our small communities in coordination with our local government units, and seek advice from the experts for the execution of our trades.

Pwede naman siguro pagsabayin ang pagkatuto/pagkita mula sa merkado at pagtuturo/pagtulong sa kapwa. Ang ilan, nakikipagunahan para maging profitable traders. Ang iba naman, mas priority ang magpalaganap ng awareness about financial literacy habang nagaaral pa lamang. Maraming paraan para tumulong sa kapwa.

It's just a few of many ways to take advantage of the opportunities that we are presented with at the moment and to prepare for the possible predicament because of A.I.

I do not wish to be on the spotlight at masyado po tayong radical at overbearing pa minsan para magsalita sa mga forums pero baka mayroon tayong classmates d'yan na nasa Pilipinas at nais mag-contribute sa susunod na TRx Forum kaya baka sakaling makadagdag ito sa inyong script.

Ganun po talaga mga classmates. Kailangan scripted at may konting ad-lib in between para pasok pa din sa banga at agenda ang speech! Kundi naku eh mas nakakahiya mablangko ka! Lols! Practice ka na sa harap ng salamin dali!

The Golden Age of Learning in Philippine Stock Market has begun. Nakasakay ka na ba sa byahe?

Please attend Ophirian symposiums. If there's none. Create one or join us in InvestInFun! Apir!


Para sa amin, hindi kailangan na maging boring at kumplikado ang pagaaral ng stock market investment at trading. Tara, group study tayo mga kabayan! Let's all INVESTINFUN!

No comments:

Post a Comment