Basahin Ang Aming Manifesto:

THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS' MANIFESTO

Thursday, September 20, 2018

THE LOST DIADEM OF OPHIR

Sinubukan mo na bang kausapin ang sarili mo sa harap ng salamin? I asked myself: "Who are you?" I then answered my own question, "I am Zero."

And then I wonder, is it me who was talking or the person on the other side?

Saturday, September 15, 2018

THE OPHIRIAN RENAISSANCE

Have you encountered this dilemma:

Ako: "Ma, expired na pala itong binigay ni Ninang Ester. Itapon ko na ah."
Nanay: "Siraulo, 'wag! [May pagsigaw! Lols!] Galing ng isteyts 'yan! Binigay daw 'yan nina Mama Rose, saka naman binigay ni ninang mo sa atin dahil andami raw nila stock sa bahay."
Ako: "Hala! Kapag bumula bibig n'yo mamaya, walang sisihan ah!"
Nanay: "Maglaway ka mamaya kamo. Ispam kaya ito. 'Di natin ito afford pag dito tayo bumili. Masyado mahal."
Ako: "Kayo po bahala. Isang bwan na palang expired ito. Sigurado ka po ba?"
Nanay: "Ah basta! Ito ang agahan natin for two days."

Kapag nagsama ba ako ng past trades ko sa blog ko today, let's say from last month, safe na bang sabihin na hindi ito recommendation? Sa mga taong nakakaalam na it's too late na para humabol pa, it's okay dahil alam nilang kabaliwan na bumili pa nito lalo kung hindi naman pang long-term investment ang laro para dito.

Tuesday, September 11, 2018

OPHIRIAN SYMPOSIUMS

Magandang umaga sa inyong lahat! I hope all is well! Ako nga po pala si _____, also known as Zero. Isa po akong blogger.

I have a question for everyone. Parte ka ba ng 99% ng mga Pilipino na either may komportableng buhay naman or nakakaraos lamang? Ayan, dami pa nahihiya. Ayos lang po 'yan. Ako mismo nahihiya pa ng konti eh hehe

Anyway, congrats sa mga parte na ng 1% kung mayroon man. 'Yan ang mga dapat ginagawang beshie. Lols!

Ako naman po ay kabilang pa rin sa 99% pero natatanaw ko na nang malinaw, sa kabilang side ng riles ng tren, ang mga kagamitan na magagamit ko sa aking paglalakbay tungo sa pagunlad.