"Ano po ang magandang bilihin na Stocks?"May isang aspeto ng lipunan natin ang may katulad na kalakaran. 'Wag mo muna basahin ang sagot sa ibaba. I want you to think about it just for a minute. Let's practice critical thinking.
"Kelan ko po ito bibilihin at kelan ibebenta?"
Take your time... think of which aspect of the Philippine society that exhibits the same phenomenon where Filipinos ask other people for answers to something that's very important instead of finding it out for themselves?
You might have a different answer but I think that there's nothing more important than asking this question: "Sino ba ang iboboto ko?"
“The government you elect is the government you deserve.” — Thomas Jefferson
We are a very social people kaya nga tayo ang "Text Capital Of The World", "Facebook Capital Of The World", "Selfie Capital Of The World" at kung anu-ano pang bansag na magpapakita kung gaano tayo ka-engaged sa kapwa tao. Kaya nga lang, pati sa mga bagay na dapat tayo na ang magde-decide as individuals, itinatanong pa natin sa iba kagaya ng kung sino ang iboboto sa elections. π π
Hindi ko po sasayangin ang oras ninyo sa pagbabasa nito dahil hindi po ito tungkol sa politics kung 'yun ang inisip ninyo. May direct and indirect relationship lamang ito sa kung bakit 'tila hindi mawala sa atin ang magtanong sa iba bago gumawa ng isang mahalagang desisyon kagaya ng pagbili ng stocks. Hindi ito exclusive sa Pinas dahil ganito din naman sa ibang panig ng mundo, kaya nga lang ang degree o lawak ng nasabing phenomenon ay di hamak na mas laganap sa atin.
The main reason why we ask other people instead of critically examine important subjects is not because we cannot do our homework and research but because WE DON'T THINK THAT OUR OPINIONS MATTER.
May dalawang dahilan akong nakikita kung bakit ito nangyayari:
1) We have been a poor colony-like country for centuries, and
2) Our educational system permits and/or encourages this kind of culture.
Hindi rin nakakatulong ang mahirap na kalagayan ng mas nakararaming pilipino sa loob ng mahabang panahon. May dalawang pangkaraniwang kaugalian ang mga tao depende sa kanilang kalagayan sa buhay. Ang mga kapus-palad, madalas mas welcoming o palakaibigan dahil tayo ang may kailangan ng tulong mula sa iba. Hindi po ito para ibaba ang mga mahihirap dahil ako po ay lumaki din sa mahirap na pamilya.
Mas hospitable tayong kapus-palad hindi dahil kailangan natin ng pera ng mayayaman kundi dahil kailangan natin ng oportunidad para magkaroon ng pagkakataon na guminhawa ang buhay. Ang mayayaman naman ay madalas na mas reserved o pribado dahil may yaman silang pino-protektahan. Ganito din ang tendencies ng mga mahihirap at mayayaman sa ibang bansa. The poor always glorify the rich and the learned. My observations could be wrong in so many ways but I'm sure of one thing, we're all equals.
Mahihirapan silang unawain ang itinuturo kaya para lang makapasa, mangongopya o magkakabisado na lang sila ng mga terminologies kahit hindi naman nila ito lubusang naiintindihan at hindi kayang i-apply. Sooner or later, mawawalan na sila ng gana sa pagaagaral kaya bara-bara na lang at magtatanong na lang sa mga ka-close nilang classmate na kasama sa honor roll. Dahil kulang sa training at ill-equipped ang mga guro, hindi natin sila masisisi sa obsolete na paraan at methodology ng kanilang pagtuturo.
We've made our school a place for torture and studying a miserable experience! What results do you expect from the students? Kaya instead na mag-research at ma-excite matuto ng mga bagong kaalaman para makatulong sa kanilang sarili at sa kapwa, magtatanong na lang sila sa mga mata-tyaga magaral.
Nasanay na akong mag-research since high school dahil I was an outcast. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Kaya imbes na magtanong, nagaaral ako at tumatambay sa library. Oh di ba nakatulong pa pala saken na outcast ako dati. Lols! Nadala ko na ang nakasanayan na pagre-research hanggang dito sa mundo ng trading kaya gusto ko rin itong ibahagi sa inyo. Hindi rin po masamang magtanong, don't get me wrong.
Kung inyo pong mamarapatin, sa susunod na eleksyon, Zero po ang ilagay ninyo sa balota. Joke lang po! Lols! Kidding aside, instead of asking other people which candidate to vote, ask what's their basis o kung ano ang pamantayan nila sa pagpili ng ibobotong kandidato.
Instead of asking the LODIs which stocks to buy, when to buy and when to sell... ask them which books inspired them and helped them a lot and which indicators are they using that really works [medyo alanganin na po siguro itanong kung ano ang trading system/setup na gamit nila kasi pinaghirapan or pinagkagastusan nila ito, gets n'yo na po 'yun]. π π
Trading In The Zone - Mr Neo Gambit, Mr Sirius Lee, Mr Park Kim Chee, Mr Erwin Lloren
Trade Like Stock Market Wizard - Mr Neo Gambit
The Trading Code - Mr Manny
Fibonacci & Cloud - Mr Manny
How To Make Money In Stocks - Mr Manny
Relentless - Mr Sirius Lee
The One Thing - Mr Sirius Lee, Mr Park Kim Chee
80/20 Principle - Mr Sirius Lee
Grit - Mr Sirius Lee
Secrets Of The Millionaire Mind - Mr Sirius Lee
Think & Trade Like A Champion - Mr Park Kim Chee
Disciplined Trader - Mr Park Kim Chee
Daily Stoic - Mr Park Kim Chee
Thinking Fast & Slow - Mr Park Kim Chee
Marvin Germo - Mr/s Pasok Aba
Secrets Of A Pivot Boss - Ms Unica Mee
Exercise Tips - Ms Roksi Mals
Vishen Lakhiani - Ms γγ« Crabby γγ
Breaking The Habit Of Being Yourself - Ms γγ« Crabby γγ
Sleep Revolution - Ms γγ« Crabby γγ
Shots of Awe with JASON SILVA - Ms γγ« Crabby γγ
Inside the Superhuman World of the Iceman - Ms γγ« Crabby γγ
The Theory of Awesomeness - Ms γγ« Crabby γγ
Mel Robbins 5 Second Rule - Ms γγ« Crabby γγ
How To Really Make A Dent In The Universe - Ms γγ« Crabby γγ
Why Motivation Is Garbage | Impact Theory - Ms γγ« Crabby γγ
Cultivate A Monk Mindset with Jay Shetty - Ms γγ« Crabby γγ
What The Bleep Do We Know - Ms γγ« Crabby γγ
Mas marami pa po dito ang nakatulong po sa ating journey sa pagaaral ng stock market. Lalo na ang mga classmate natin sa ating support group. π
Anyway, the purpose of this blogpost is for you to believe that your opinions matter and you are capable too; so challenge yourself by doing your research as well and be independent students of the market. We all need guidance but we can think for ourselves.
I hope we are on the same page and we'll just try to find the links and/or the copies of the titles given above. There are existing laws of intellectual property rights. Ayoko po makasuhan. Lols! Or baka meron na po kaming copy ng ebook na hinahanap ninyo sa ating group. Paki check na lang po: INVESTINFUN!
If you find your name here and you want me to remove it, just let me know. I don't want to misrepresent anyone. And speaking of... just so you know po mga kabayan, I'm not connected to any Trading Group as of the moment po. π π
Di rin po ako part ng ZFT or student ni Kap kasi marami po talaga ang nagtatanong nito hehe It's really great to be associated with them pero I don't want to misrepresent anyone in anyway. π π
Besides, kahit alam ko na po ang isasagot ko, hindi ko pa rin sasabihin kung ang gusto po ninyo malaman ay ang details ng CURRENT trades ko dahil never ko pong gagawin ang mang-HYPE. Aral po muna tayo. Let's try to practice using google and other tools para maging parte na ito ng ating habits at maging skill ang pagre-RESEARCH. Let's talk about trades from the PAST para mapagaralan po natin. Okay ba? Apir mga classmates! π
Please find time to read our MANIFESTO: THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS.
Para sa amin, hindi kailangan na maging boring at kumplikado ang pagaaral ng stock market investment at trading. Tara, group study tayo mga kabayan! Let's all INVESTINFUN!
No comments:
Post a Comment