Basahin Ang Aming Manifesto:

THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS' MANIFESTO

Friday, August 24, 2018

ON THE VERGE OF A BREAKTHROUGH

Whenever our trainer asks "How's your lunch, guys?", we'd usually answer "It was life-changing! We went to bentelog!" Mema lang. Lols! Masaya magtrabaho sa call centers kahit ano pa sabihin ng iba.
Madalas joke lang ito pero minsan, may mga life-changing events talaga sa buhay natin. Perhaps, like a brilliant business idea that you suddenly come up with when you're wearing your pajama and about to drink your milk.

Kaya lang...
napansin mo 'yung pinagkainan mo kahapon na nasa side table hindi mo pala nahugasan! "Shet! Andito pa pala 'to!" It's either hinayaan mo lang at nagpatuloy sa paghiga para matulog or dinala ito sa kitchen at hinugasan.

When you're already lying down and about to sleep, you remembered something that you were supposed to write down. You were on the verge of a breakthrough but you totally lost it! "Oh fudge! It was a great idea! What a waste! Arrggg!"

Nangyari na ba sa'yo ito? Yung tipong may naisip ka nang ideya na magliligtas sa'yo mula sa pagiging empleyado, or trading setup na pwedeng bumawi ng lahat ng naipatalo mo?  It always happens when you're in the bath tub, in the bedroom, in the kitchen, on your way home, or even in your dreams.

It could be anything but you're certain that it's gonna be a life-changing idea!

Anyare? Dahil lang sa makalat na kwarto, makalat na work station, makalat na mesa, makalat na kusina, makalat na garahe, makalat na kotse, makalat na bahay, makalat na buhay... nawala na lang.

Palagi itong nangyayari kaya parang naging okay na lang na mawala ang mga ideyang ganito. Okay na lang na malimutan ang mga bagay na pwedeng bumago sa takbo ng ating buhay.

Okay nga lang ba talaga? Anyway, sanay naman tayo pilitin at hatakin ang sarili na bumangon sa umaga para pumasok sa trabaho. Whoohoo! I'm still in the rat race!

Aside from that lost brilliant idea, what else are we losing because of "stuffocation"?

/Stuff-ocation is a chronic condition or suffocation because of cluttered homes full of stuff./

You got it right! It's our peace of mind! A cluttered surroundings tends to cause a cluttered mind. There's actually a lot more negative effects of a chaotic environment. You can google it.

Paano ba natin ito mababago? May solusyon d'yan si Arirang. Ito panuorin n'yo:

A simple life not only means having a minimalist home. Alam n'yo bang isa sa mga perks ng pagkakaroon ng troll facebook account ay ang pagkakaroon ng kalayaan na mag-unfriend, mag-unfollow at mag-block ng mga toxic na tao?

Mahirap ito gawin sa personal account natin kasi baka magtampo si tropa o si relative. It could also mean a more efficient phone kasi nag delete ka na rin ng unnecessary apps, or laptop kasi nag delete ka rin ng mga old files, or trading setup kasi tatlong indicators na lang ang gamit mo.

I'd like to keep this post simple kaya no more hanash. Pagisipan po sana ninyo ang pagkakaroon ng minimalist lifestyle. Apir!


Para sa amin, hindi kailangan na maging boring at kumplikado ang pagaaral ng stock market investment at trading. Tara, group study tayo mga kabayan! Let's all INVESTINFUN!

3 comments:

  1. Uy,ganda neto sir..salamat sir..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maliit na bagay po classmate. Thanks for reading po. God bless! =)

      Delete
  2. A bunch of articles have been written over the past several years covering the issue of free full version downloads of games. I'd like to point out that this article won't tell you how to download hardcore games like FIFA 2014, NFS, or Call of Duty. Obviously, there is no legal way to do it absolutely free of charge. Matter-of-factly, if you owns a PC and want to download some free stuff safely, the only way for you is casual gaming websites. I'm laying stress on that phrase, because in far more articles most of reviewed websites tend to allegedly have 'full version games' that often turn out to be trial ones. In this article I'm going to cover the websites literally offering only full version casual games. https://www.buyyoutubeviewsindia.in/youtube-marketing/

    ReplyDelete