Basahin Ang Aming Manifesto:

THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS' MANIFESTO

Saturday, July 21, 2018

YOUR STORY IS MEANT TO BE SHARED

I just started reading blogs this month and one blogger stood out, and it's for a reason. It's CELESTEI was inspired to write a blog in response to hers. She was kind enough to read my blog and share it on her page, you can check it HERE.

Isingit ko lang po 'yang reblog n'ya kasi flattered ako eh πŸ˜…πŸ˜

That's when I thought... there might be other investors and traders out there whose stories are kept untold like the one who shared his story with Celeste. And then, I wonder, why don't we ask people to relate their stories? After all, they're meant to be shared.

We think that this is in line with our vision, read our MANIFESTO: THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS.
Let me first thank those who sent messages to show their appreciation and support in our advocacy especially those who are planning and already preparing their stories to be shared. Maraming maraming salamat po! God bless you more! 😁

In order to answer the FAQs of our kabayans
who showed interest in sharing their stories, let me clarify what our league stands for and lay down our guidelines to help you construct the story, article, essay, poetry, memoir, journal, open-letter, free-writing, or even a song that you wish to share with us.

It doesn't have to be fancy and uber creative, it doesn't even have to be original and unique. It just has to be true. In terms of the creative aspect, ako na lang po bahala dun. Let's collaborate na lang from proof-reading to editing to publishing.

Marahil hindi namin naipaliwanag nang maigi ang nais namin ipabatid sa aming MANIFESTO kaya kung inyo pong mamarapatin, ipapaliwanag ko po ito sa salitang Tagalog. Pagpasensyahan na po ninyo kung mayroong grammar lapses hehe πŸ˜…

Hindi lamang po para sa mga stock market investors at traders ang blog na ito, kundi para sa lahat ng Pilipino na gustong makaahon sa hirap, maging malaya financially at magkaroon ng komportableng buhay para sa sarili at sa pamilya sa pamamagitan ng pagiging financially literate pero mas naka-focus po tayo sa stock market.

Hindi rin po ito para lang sa mga beterano na sa stock market, sa katunayan ang mga newbie at hindi pa nakakaalam ng posibilidad ng stock market at trading ang focus ng aming blog. Isa sa mga layunin namin ay ang maging financially literate ang 50% ng ating populasyon. It's a long shot pero hindi po ito imposible.

Hindi rin po kami isang grupo, tribo, emperyo, akademya, o kung anuman. Hindi po ito kagaya sa mga klase sa eskwela na merong tropang bilog, nerds, varsity players/bangko, mr/ms popular, politician wannabes, clowns/comedians, honor students, remedials, rich kids/commoners, CAT officers, invisibles or mga crush ng bayan. πŸ˜…

Kaya hindi na po importante kung saan ka nanggaling, anong grupo mo ngayon, sino ang ini-idolo mo, anong level na ang skills mo, anong pilosopiya mo sa buhay atbp. Basta gusto mo makatulong ang kwento mo kahit pangkaraniwan pa yan, welcome ka po dito.

Sa totoo lang, hindi ko po alam ang exact and proper translation ng "Progressive Movement" sa tagalog. Parang OA naman po kapag tatawagin na kilusan hehe πŸ˜… Kaya tawagin na lang po natin itong "League Of Pinoy Stock Market Students".

In terms of the basic structure at pamantayan ng ibabahagi ninyong istorya, mangyari po sana na paki consider ang mga sumusunod:
  1. ) May kinalaman ito sa investment at preferably tungkol sa stock market.
  2. ) Ang layunin ng inyong istorya ay makatulong sa mga kabayan para magkaroon sila ng [well-informed decision] mas nararapat na desisyon kung mararanasan nila ang katulad na sitwasyon.
  3. ) Walang pangalan ng indibidwal, grupo, institusyon o personalidad ang isasama sa ipa-publish na post.
  4. ) Walang pictures ng ports at charts na may stock code ang isasama sa ipa-publish na post.
  5. ) Ilalagay sa post ang inyong pangalan at napiling litrato bilang owner o may-ari ng akda o post na ipa-publish. Maaari po tayong gumamit ng code names at masks kung mas pipiliin po ninyo ang anonymity para sa inyong kaligtasan o preference.
  6. ) Ilalagay po natin sa umpisa ng post kung ito ay masaya, malungkot, puno ng aral, o kung anong klaseng story, article, essay, poetry, memoir, journal, open-letter, free-writing, or song ang inyong ibabahagi para walang gulatan. Importante po ang peace of mind sa mga traders kaya kung maii-stress lang po sila sa huli ng kwento, mabuti pang iba na lang hehe πŸ˜…
  7. ) Hindi rin po kailangan na ito ay success story na, may tuldok na at tapos na, pwede rin po ang story na "in-progress" pa kagaya ko, naguumpisa pa lang, wala pang nauumpisahan, pwedeng story ng challenges at pagkakamali, at marami pang iba.
  8. ) Maaari ding pong gamitin ang salita at lenggwahe na komportable ka kagaya ng Ingles, Tagalog, Cebuano, Ilocano, Bikolano, atbp. [Pero hindi na po kayo matutulungan sa editing kung hindi ito Tagalog o Ingles ah hehe πŸ˜…]
  9. ) Kung hindi po kayo sigurado kung paano ito gagawin, i-submit na lang po ninyo ang kabubuan ng kwento ninyo at ako na ang bahala mag-edit. Pagusapan na lang natin ang atake after ko isend sa inyo ang draft. Ito po ang structure na pwede ninyong sundan kung kaya na po ninyo gawin bago i-submit para mas madali na po ang editing natin:
  • Title Example: "Ang Aking Journey Bilang Isang Investor"
  • Owner Introduction Example: "Ako po ay si..., savings pa lang ang meron ako... na-hype ako noong... nabasa ko po ang ______... Si John Lloyd daw ang celebrity look-alike ko... etc."
  • Type Of Story Example: "Kwento Na Puno Ng Aral"
  • Specific Topic Example: "Trading Psych"
  • Problems Encountered Example: "Impulsive Buying"
  • People Who Helped You Example: "Isang mentor sa isang tribo sa UAE"
  • Resolution Example: "Meditating, Reflections, Focusing On Intangibles, Etc."
  • Conclusions Example: "Kailangan pala humingi ng tulong sa pinagkakatiwalaang tao at magaral ng mabuti."
Hindi po kailangan na mahaba ang inyong ipapasang istorya. Kahit 10 pangungusap lang ay sapat na. Kung mayroon pa pong kulang sa mga nabanggit na pamantayan, please let me know para ma-update ko.

Again, ang dahilan kaya natin ito gagawin ay dahil naniniwala kami na ang istorya mo ay maaaring maging parte ng istorya ng iba. We have a duty to share our stories to help others.

Mas gusto po namin marinig ang mga kwento ng pagkakamali dahil doon po kami matututo. Please remember, you are not your past mistakes. What you are is a caring classmate who are willing to share your story to help others.

Only then, you can be free from the shadow of your past and bring others along in your journey towards a brighter future.

Kagaya ng nabanggit ko noon, one of the most valuable lessons that I have learned from "The Power" is "The more you give. The more you receive." Kaya kahit hindi pa mag-manifest yung "receive" part, let us "give" whatever we are willing to share like our own stories to inspire others.

If you're familiar with the movie "Freedom Writers", you'll understand the objectives of this initiative.

And by the way, at the end of every year, we will vote for the "LEAGUE OF LEGENDS: FINANCIAL FREEDOM WRITERS" among all of the contributors of the blog. We are looking forward to receiving your stories and collaborate with you! For sure, marami tayong matutulungan na kabayan! I'm so excited!


Para sa amin, hindi kailangan na maging boring at kumplikado ang pagaaral ng stock market investment at trading. Tara, group study tayo mga kabayan! Let's all INVESTINFUN!

No comments:

Post a Comment