Basahin Ang Aming Manifesto:

THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS' MANIFESTO

Sunday, July 29, 2018

SINO BA TALAGA SI MUM/SUR?


"Hey, __________. Kamusta? Nag-abroad ka na pala ah"

Kapag OFW ka, sanay ka na maka-receive ng message mula sa kamag-anak, kaibigan o dating kabit-bahay out of the blue. 'Yung tipong di mo naman ka-close o kakwentuhan biglang magme-message. Lol!

Pero syempre sabik ka din sa kausap minsan. Malungkot kaya overseas. Kaya ayun chat-chat kayo hanggang maya-maya pa'y... boom! Manghihiram pala ng panggastos, pambayad sa kuryente, atbp.

Wala pong masama 'dun. At some point in our lives, we also needed help. Masaya nga makatulong 'di ba? Mahirap lang talaga ipaliwanag na ikaw mismo, naga-adjust pa at may utang din na binabayaran. We don't wanna hurt their feelings by saying NO kaya kung anu-ano na lang ang sasabihing alibi para lang di makasakit ng damdamin. This is a very Filipino way of responding to situations.

O kaya naman, iiwasan na mangyari ito kaya 'di na talaga mago-open ng kahit anong message kung galing sa 'di naman ka-close hehe

Everytime makaka-receive tayo ng mga ganitong messages, minsan mapapaisip ka kung sino ka ba talaga...

Kuya/Ate? Oppa/Noona? Manong/Manang? Tropa? Classmate? Mista? Pogi/Ganda? Kapatid? Bro/Sis? At minsan pa... PSST! [Sinitsitan ka na lang! Lols!]

Pero may isang kailanman ay 'di kukupas: "MA'AM" o "SIR".

Recently, after ko mag-share ng mga kakarampot kong natutunan, madalas na akong matawag na Mum/Sur.

Sabagay, itong code name ko na Zero can be a man or a woman. And that's what I intended it to be. Hindi dahil confused ako sa gender ko, but because I want to be nobody. No name. No face. No history. No One, No One, No Huwaaaahan! [DJ Scratch!] Nobody, Nobody But You! Lols!


As you might have noticed, I'm a fan of "CODE GEASS'. In the episode: ONE MILLION MIRACLES, Zero exiled Japanese people by making all of them wear his mask, disguised as Zero. I can go on and on at magkwento ng tungkol sa addiction ko sa anime pero baka mabuysit lang kayo. Lols! Mas mabuti pa po na panuorin na lang ninyo ang maikling video na ito:

The point is that Stock Market is supposed to balance or level the playing field, or like how Zeefreaks put it, an "Equalizer".

We acknowledge the fact that Filipinos, in general, are very respectful to figures of authority and that has been the reality for the last 500 years. Sinakop tayo ng mga kastila, hapon at amerika kaya malamang naging parte na ng psyche natin na kilalanin at pagsilbihan ang mga dayuhan.

This reminds me, are options created, opportunities produced or consequences realized? It is what we choose to believe.

It's fondly called "Colonial Mentality", a social construct that would lead firm believers to suppose that they can do nothing better, annoying the discourse of national identity, thus perhaps creating a tension in due time.

I've written something about our national identity in one of my previous blogs entitled WE ARE THE CHOSEN PEOPLE.

It's already 2018 mga kabayan. Di pa ba tayo nauumay sa ganitong kalakaran?

Kung wala lang akong binabayarang bahay sa Pinas, 'di po ako magtatagal dito sa Middle East. Matindi ang pangangailangan kumbaga. We all need to survive. Kaya gets ko naman kung bakit 'di natin matanggal ang kaugalian na itaas sa pedestal ang iba because we're a humble people.

I also address people the same way, "Ma'am" or "Sir" kapag alam kong kailangan kasi 'dun nasanay ang marami sa atin. Pero kapag alam kong open-minded, malalim ang pangunawa at kakilala ko naman, I address them using their first names.

This is also the case for other Millennials, especially those who've been westernized in different ways like watching foreign movies, reading foreign books, or kagaya ko na nagtrabaho sa call centers sa Pinas, or 'yung sadyang lumaki sa bahay nila na nagi-ingles ang lahat ng tao, mga rich kid kumbaga na may baong Php250 araw-araw kahit walang pasok. Lols!

Paano nagbago ang pananaw ko dito? Working in BPO companies, when attending to customers, mostly Americans, newbie Filipino agents would address them as "Ma'am" or "Sir" but most often than not, we'll get a negative response or receive a brief sermon or advice because they take offense or don't appreciate being called that way.

For them, for someone to be called "Madame" or "Sir", you have to be worthy, like you have done something for the king or your community or you're from a higher social class.

It's not that I wanna influence our fellow kabayans to be Americanized pero pucha naman palagi na lang ba tayong magba-bow sa iba? Wala na ba talaga tayong natitirang pride as Filipinos?

Ang mga Koreans, Japanese, etc. nagba-bow sa mga nakakatanda sa kanila pero hindi sa mga dayuhan na kagaya natin. Our version of respect is like a chimera of different cultures.

We're all equals. At marami sa atin, pinasok ang stock market investing and trading because we want that kind of life where we don't have to answer to anyone. Do I have a problem with authority? Perhaps, yes. Pero di po ako rebelde.

Mukha lang itong intense at extreme kasi 'di tayo sanay. Parang kapag sinabi noon na "Pakasalan mo ang anak ko!" samantalang hinalikan lang naman sa pisngi 'yung babae. Sa ngayon ba, applicable pa 'yan?

We're entering a new era of Filipino ingenuity, innovation, and progress! Can't you feel it! I sure am feeling it to the bones!


How can we move forward if we have that mentality that we need to serve other nationalities?

I can still remember as if it was just yesterday when my Economics professor told us, "Maybe we're not supposed to be a great nation. Maybe we're supposed to serve other progressive nations because we tend to do well in the service industries." I was like, WTF!

There... perhaps, I really have an issue with authority. However, our educational system is flawed that's why we keep on producing jobs that serve other nations! That's the real reason. That's why we have millions of OFWs making other countries rich in money and in culture!

Kasama culture kasi para tayong nakikipaglaro ng "Pinoy Henyo" sa ibang lahi. Guess what's the word posted on their forehead? It's G.M.R.C.! Lols! Kung nahulaan ba nila ito? Well... ikaw na po bahala humusga. I'm still thankful kasi dahil sa kanila, nakapagipon ako.

Anyway, 'di ko po sinasabi na bastusin natin ang isa't isa. All I am saying is, it will take time for this paradigm shift to actually make a difference in our daily lives so we have to start somewhere. And for a system of belief to really change, we have to sometimes exert extraordinary efforts.

Perhaps, we can start by addressing each other by our first names or at least use "Mr" or "Ms" para magka-level naman at formal kahit papaano. We're all honorable knights naman 'di ba? Gets mo ba yung picture? #HashtagHonorable Lols!

Sa mga kagaya kong Stock Market Students, instead of using those superficial titles, let's use "Classmates". Deal?

Besides, have you considered asking what Mum/Sur sounds like to those people who are actually using the term on a daily basis?

Sino po ang tinutukoy ko?


Sila po ang mga pangkaraniwang empleyado sa SM Department Store, Jolibee, Siomai House, atbp.

Sa totoo lang, medyo nakaka-insulto po ito pakinggan. Paano ko nasabi? Isa din po kasi ako sa mga empleyadong 'yon noon. Nagtrabaho ako bilang isang Bagger [Hypermarket, Liana's Supermarket], Real Estate Agent, Service Crew [Burger Machine, Tropical Hut, Waffle Time] at Salesman [Robinsons] bago ako nakapasok sa call center companies at nakapag-abroad.

Araw-araw po namin sinasabi ang "Ma'am/Sir" kapag nagtatawag kami ng customers at namimigay ng flyers para may bumili dahil masasabon kami ng bisor kapag walang benta.

Alam po ba ninyo kung gaano kahirap 'yun lalo na 'pag di kami pinapansin, tinatarayan, at minsan pa ay binabastos ng kapwa dahil sa trabaho namin? It looks trivial lalo na sa mga 'di naman nakaranas ng hirap pero sa mga taong may respeto sa sarili kaya lang ay matindi ang pangangailangan, well paki-imagine na lang po. #ItsANoForMe #PGT

I really don't mind being addressed that way. Actually, mas gusto ko pa ang "Kuya"/"Oppa". Lols! Joke lang po. I still prefer "Classmate".

Pero paano kung yung sinendan mo ng message ay dati ring service crew? Boom! Aray! Flashback ang mapait na nakaraan! Hahaha

Let me just remind you that if you came from a well-off family and you worked for several months as a service crew or other blue collar jobs, it's more like you're being trained to understand how it works from that level. Pero syempre for the sake of experience lang 'yun dahil sa mas mataas na uri ng trabaho o posisyon talaga ang target mo.

Hindi po parehas ang experience ninyo sa mga kapus-palad nating mga kababayan kahit parehas pa ang ginagawang trabaho dahil marami sa kanila, matagal nang ganun ang trabaho, hindi lang nagti-training at ang malala yung iba hindi na naka-move on, marami sa kanila mataas din ang pangarap pero kulang ang skills at lakas ng loob, marami sa kanila maraming insecurities dahil di nakapagtapos ng pagaaral at mahirap ang pamilya, at marami pang iba. The list goes on.

Let's lift each other up by showing our fellow kabayans that we care about their history and struggles and by treating them as real equals. No malice or contempt, intentional man o hindi.

Kahit sino pa sila, mayaman o mahirap, CEO o janitor, kano o sakang, undergrad o may PHD, single o double, iPhone o Samsung ang phone, maputi o maitim, kahit ano pa...
pareparehas lang tayo mabaho ang utot at ang $#!+! Lols!

We're all equals.


That's the real meaning of respect, at least for me and for most progressive thinkers.

For you, what does it mean to be equals with others? What does it mean to be a Filipino?

You don't have to do it now but please think about it.
I, too, deserve to be called "ZERO".
Please find time to read our MANIFESTO: THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS.
Para sa amin, hindi kailangan na maging boring at kumplikado ang pagaaral ng stock market investment at trading. Tara, group study tayo mga kabayan! Let's all INVESTINFUN!

No comments:

Post a Comment