Basahin Ang Aming Manifesto:

THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS' MANIFESTO

Friday, June 22, 2018

OUR ANCIENT ISLANDS OF GOLD

May dalawang bersyon ng kasaysakayn ang Pilipinas. Ang una ay ang bersyon na madalas natin naririnig mula sa mga guro, nababasa sa mga libro at napapanuod sa TV.

Ito yung berson na paulit-ulit tinatatak sa atin kahit na mukha namang nabahiran na ng pulitika, mapanlinlang na simbahan at kung anu-ano pa.

Naalala mo pa ba yung kwento na dinayo ng mga kastila ang pilipinas kahit na marami pang namamatay dahil sa panganib ng paglalayag sa karagatan noong panahong iyon para lamang sa...
"Pampalasa"!

Nagpadala sila ng sangkatutak na armadong mga sundalo at manlalayag para makontrol ang bentahan ng PAMPALASA!?! WTF!?!

Nakaka-P.I. nuh?

Ano kaya ang tingin sa atin ng mga "Historians" na nagsulat ng kabanatang ito ng ating kasaysayan?

At 'wag na po natin ipilit ang sinasabing rason na kaya tayo sinakop ng mga kastila ay para palaganapin ang salita ng Dios. Dumami po ang Christian Church sa Pinas pero wala naman po tayong nababalitaan na kinailangan manakop ng mga pastor ng kahit isang Barangay para maihatid ang salita ng Dios. Parte na ng kahit ano pang sibilisasyon ang relihiyon.

Marami pa ang mga kwentong hindi mawari kung saan nanggaling. Marami naman sa atin ang naniniwala kasi paulit-ulit natin naririnig at nababasa. "A lie told often enough becomes the truth." - Vladimir Lenin

Bago pa dumating ang mga kastila o kahit na sino pang mananakop, mayroon na tayong mayamang kultura at sibilisasyon. At ang sinasabing pampalasa ay isa lamang kasinungalingan na rason kung bakit tayo dinarayo at kalauna'y sinakop ng Espana.

Isa lamang ito sa napakaraming kasinungalingan sa mga aklat ng kasaysayan o mga kwento ng simbahan kagaya ng mga aswang at maligno na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan natin.

Ano ang totoong dahilan kung bakit tayo sinakop ng mga kastila?

Ang dahilan ay ang ating kayamanan: Ginto.

Kung ang pera ay kailangan pa natin pagtrabahuan ngayon, ang ginto ay pinupulot lang sa daan sa maraming parte ng Pilipinas noon.


Panuorin:
ANG MAYAMANG PILIPINAS

Click either of the 2 links below to download the "Boxer Codex" in PDF Format:

Google Drive: Boxer Codex
Indiana University Digital Library: Boxer Codex

Ano ang kinalaman nito sa Investment?

Wala naman... bukod sa pinagkait sa atin na kayamanan ng mga mananakop.

Galit ka rin ba?

Dapat lang kabayan! Hindi tayo dapat naghihirap ngayon kung hindi dahil sa kanila at sa mga kapwa pilipino at mga mayayamang angkan ngayon na nagpagamit sa kanila noon.

Gamitin mo 'yang galit na 'yan para lalo pang magaral ng investments at stock market trading. Ibalik natin ang yaman ng Pilipinas!

Let's dismiss their claim that we belong to the "Third World". We were the richest people on earth in the past and we can reclaim our former glory if we really want to.

Kung hindi ito sapat na dahilan para tulungan ang bansa na ibalik ang dati nitong estado sa mundo, let's at least try to consider this other version of our history.
Please find time to read our MANIFESTO: THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS.
Para sa amin, hindi kailangan na maging boring at kumplikado ang pagaaral ng stock market investment at trading. Tara, group study tayo mga kabayan! Let's all INVESTINFUN!

No comments:

Post a Comment