Basahin Ang Aming Manifesto:

THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS' MANIFESTO

Saturday, June 16, 2018

EVERYONE STARTS FROM ZERO

“Walang wala”, iyan ang titulo ng pelikulang tinatampok sa loob ng isa pang pelikula na “Ang Babae Sa Septic Tank”.
Parang tayo lang, mga pangkaraniwang pilipino na kung tatanungin kung ano ang alam tungkol sa investment at stock market trading, ang tanging maisasagot ay walang wala.

Who cares? The stock market is for the big shot investors and professional traders who’s been there for as long as anyone could remember. It doesn’t have any place for us, the commoners.
Ay, ingles.
Di namin maiintindihan iyan. Hindi po kami nakapagtapos ng pagaaral; hindi po kami mayaman, wala kaming pera o ipon; hindi po kami marunong magbasa; hindi po kami lumaki sa subdivision, lumaki kami sa squatters’ area at sa gi-llage [gilid ng village]; hindi po kami business graduate; hindi po kami ganito, ganyan… walang katapusan na “hindi kami”.

Like in this piece of sh*t este piece of art, a film depicting funny yet depressing realities in Philippine society behind every scene, the dark humor that most of us would dismiss as something that betrays the lack of originality, a commonplace, Eugene Domingo plunged into a self-deprecating state of nothingness.
So, why can’t we?

Sino ba tayo para panuorin na lang ang mga kababayan natin na patuloy maghirap dahil lang sa kakulangan ng tamang kaalaman. Hindi naman kailangan ng pedigree or mataas na estado sa buhay para matuto sila ng basics ng investment. Hindi rin kailangan ng diploma mula sa mamahaling eskwelahan para matuto ng trading.

It’s not Marx’s Classic Struggle Of Classes that we are promoting, rather an opportunity for every Filipino who just wants a comfortable life for him/herself and for his/her family. However, like any major change in history, we are supposed to exert extraordinary force in order to achieve this simple goal. We need to create an impact!

The movement to actualize this change has already started, thanks to the budding entrepreneurs and traders in the local scene and the major contributor that is “Investagrams” - a platform for all, regardless of age, social status, gender, academic achievement, religious background, political inclination, etc. And, of course, the faceless independent and individual traders who share their expertise to those who need it most.

Just like them, the main reason why my code name is "ZERO" is because I want to be a nameless, faceless persona, an alter-ego of newbies in the stock market. Anyone can be Zero. What I can do, you can do. What you [as Zero] can do, anyone can do.

Pero bakit ingles ang lahat ng materials, books, ebooks, audiobooks, videos, articles, social media posts, etc.?
Bakit nga ba?

Ito ang babaguhin nating mga pangkaraniwang pilipino; tayong mga lumaki sa squatters’s area, nagaral sa siksikang public schools; tayong mga hindi nakapagtapos ng pagaaral at ‘di umabot sa high school o college; tayong mga laborers, service crews, salesmen, office clerks, alalay, kasambahay, OFWs, atbp.

Lahat tayo maguumpisa sa walang wala!
Mananatili ba tayo dito, sa “walang wala”?
Ikaw lang ang makakasagot niyan. Pero kami…

HINDI!

Kung handa ka nang subukan, bakit hindi mo kami samahan? Tutulungan ka namin. Unti-unti natin pagaaralan kung paano yumaman.
I am Zero. Everyone is.
Please find time to read our MANIFESTO: THE LEAGUE OF PINOY STOCK MARKET STUDENTS.
Para sa amin, hindi kailangan na maging boring at kumplikado ang pagaaral ng stock market investment at trading. Tara, group study tayo mga kabayan! Let's all INVESTINFUN!

No comments:

Post a Comment